Psalms 23

Ang Panginoon ay Tulad ng Isang Pastol

1Ang Panginoon ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
2 Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan,
patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay.
3Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan.
Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan,
upang siyaʼy aking maparangalan.

4Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot
dahil kayo ay aking kasama.
Ang dala nʼyong pamalo
pamalo: ginagamit ng pastol para itaboy ang mga mababangis na hayop.
ang sa akin ay nag-iingat;
ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.
5Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway.
Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin.
At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.
6Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay.
At titira
titira: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, babalik.
ako sa bahay nʼyo,
sa bahay nʼyo: Maaaring ang ibig sabihin, sa templo, o, sa tahanan ng Dios sa langit.
Panginoon, magpakailanman.
Copyright information for TglASD